Biyernes, Mayo 18, 2012

My ultimate crush in college :)

HEY! :)

To my ultimate crush in college, ito ang story ko!! Ultimate kasi marami akong crush you know but IKAW ang number 1. ewan ko ba! haha. crush kita since 1st year to 4th year! KAHIT DEADMA ANG BEAUTY KO SAYO!! oh di ba ang tagal! pero kasi crush lang yun.... crush as in crush. all one sided............ drama! haha. pero crush nga lang eh! parang highschool na may crush kang poging upper year! hohohoho. walang sense na crush bastaaaa! haha Ok to start...

First year.

Una kong nakita ang crush ko noong freshman assembly. He was a Mr. freshie. OO Mr. freshie so GWAPO  siya!. (Duh, syempre pogi mga crushes ko :P) Siya ung representative ng college of pharm! Hindi ko pa alam nun syempre. At saka kasi bawal pa akong maglumandi coz I still have a boyfriend pa that time! HAHA. Ok ang lande ko. Ok. Basta nung nakita ko sya, iba lang ang effect nya. hindi ko alam kung napogi-an lang ba talaga ako! anywayyyyyy, may BF nga ako di ba kaya tamang cute langgg! Naalala ko nun that time yung tanung sa pageant na kung “kelan ang 1st kiss mo”. Ang sagot niya eh yung gf nia nung highschool sa park! Ewan tumatak sa isip ko sya. HOHO Tapos ang akala ko graduate siya ng pisay,,,iba pala yun! Haha so yun ang 1st encounter namin. AKO lang pala kasi hindi niya ako kilala, ako lang may kilala sa kanya. Soooo obvious na, ito ang tinatawag na super unrequited admiration. He did not know my existence YET! --- lol

Second year.

Naglie low ako sa pagkakacrush sa kanya kasi after ng freshman assembly, minsan minsan ko na lang siya nakikita. Then second year came!!! WAHHHHHHHHHHH nakita ko siya uli!. At lalo lang siyang gumagwapo!! Hahaha. I saw him with his white uniform… soooo ang gwapo niya talaga… nakikita ko siya pag mga breaks ko. Alam mo ung super ilaw ang paligid niya., para siyang kumikinang! Wahaha. Sa LT walk yun, may food fair that time so andun sya bumibili ng food. Naglalakad kame ni "friend 1" nun. Wala pa akong sinasabi nun na crush ko sya! HAHA. Ilang araw ko na syang nakikita palagi soooo medyo kinikilig ako. Haha. Ayun sinabi ko kay Friend 1 na crush ko ohhh…sabay turo sa kanya. So nalimutan ko mr.freshie pala sya at kilala sya ni friend 1… dun ko unang nalaman ang 1st syllable ng name niya. Tsk si Friend 1 naman kasi hindi na matandaan ang name—ang naalala nia lang ehh TOOOOOT. Soooo that whole time akala ko TOOOOOT name niya. Then si HS friend na same University as I am. Kinwento ko sa kanya, sooo di ba ex-crush pala un ng friend niya, so ang kanyang palayaw ehh “bisikleta boy”. Bakit?, kasi un ang picture niya nung mr.freshie sya. Nakabisikleta! Haha. Itsura niya pa nun, totoy na totoy,,,LOL. Anyway, May natutulong din pala ang pagiging Ms. Freshie ni Friend 1 sa akin ehhh, nakakuha siya ng pic ni “TOOOOOT”. Sooo nagsimula na ang pagiging stalker mode ko.. wahahahaha. Nakakuha ako ng sangkatutak na pic niya nung pictorial nila sa Mr. and Mrs. Freshie. Nasa old laptop ko ung pic and nadelete siya sa kasawaang palad. L pero bago pa man nadelete un napagsawaan ko naman na ehhh! HAHA. Dafuq, ako na ang creepy stalker. oh nooo pretty pala ako so secret admirer! :)
Marami kaming encounter sa isa’t isa. Like one time, eh di nasabi ko na sa halos lahat ng mga college friend ko ung crush ko. Lunch time un sa CAS. Actually gutom na gutom na ako nasa com3 class palang ako. Before lunch time un. So nung natapos na ang class bilis kagad ako sa Gab caf para bumili ng pagkain. So medyo nung nasa Gab caf ako nakita ko ang aking superrrr crush! Wahhhhhhhhhhh. Nakaupo siya sa table malapit sa smokey’s hotdog something something. Eh may vacant table sa tabi nila, so itong mga epal kong kaibigan dun umupo! MEDYOOOOOOOO hindi ako mapakali. Si Friend 2 din potek napakaingay. As in super hinihila ko sya na wag syang umupo dun at humanap kami ng ibang mauupuan. Ay nako grabe nagiingay talaga syang sobra na like— "Secret, secret” sabay turo sa kanya! Ay peste! Tapos nung papaupo na ako, pinipilit nia akong tumabi kay “TOOOOOOT”. So syempre shy, lumayo ako! Hahaha. Pero andun ako sa pwesto na nkikita ko sya ng diretso! Haha landeee. Ito namang Friend 2 na to ay SIOPAAAOOO! Alam mo ung kunwaring aakbay siya sa crush ko tapos biglang “secret, secret oh!” WTH! Nakakahiya talaga! Haha. Ito ang malala, ang nagugutom kong tiyan potek nawalan ng gana nung nakita ang aking baby loves! Waaaah. Ang gutom na gutom na ako, naconscious bigla at hindi na makasubo! Alam mo ung feeling na un. Feeling mo nasusuka at walang gana! Na nakatitig lang ako kay Crush the whole time! Wahhhhhhhhh. That time was so precious talaga sakin! As in kinekwnto ko pa siya kay HS friend nun! HAHA.
Tapos ito na! malalaman ko na sa wakas ang whole name nia! ONDOY un. Exam namin sa bio22 sa umaga tas chem18 sa hapon. After kong kumuha ng exam sa bio 22 medyo lubog na ang parking lot sa cas. Pababa ako ng gab staircase tapos aun nagliwanag uli ang aking mundo, nakita ko si “crush”! at ito pa katabi at kausap niya ang isa sa mga shiftee ng pharm to our college, si J! Kaya pala sya andun ehh kumukuha din sya ng chem 18 sa mga oras na un. Ehh di ba exam dapat, pero dahil bumabagyo napostpone! Lol. Ok back to my story. Ayan katabi niya si J, sabi ko kay Friend 3,,,”Friend 3 ung crush kooooo”!!!!! tapos napatingin c Friend 3, so sabi niya GWAPO di ba?!! Haha. Told yah gwapo ang baby loves ko! Sooo sabi niya, alamin natin name, katabi niya ksi si J. So itong si Friend 3, tinawag si J! Sabi ba naman niya, “J, anu name ng kausap mo?, pinapatanung ni B?!”. Who the hell is B?! OO, ako un, un ang code name ko pag nagtatanung kami ng info kay J about my baby loves.! Sooo aun sinabi ni Julian. Ang pangalan niya ay…tintenenannnn…(drum rolls)…. M-----O C---G,  “M---Y” for short. . Sooo hail to J! Dahil sa kanya nalaman ko name niya! Weeeheee! At dun ko din nalaman na super close friends pala sila ni J, Nung pharm pa si J. Aun naaaa! Pag physics time din minsan ginugulo namin si J para magtanung! Tanung namin kung may GF ba siya ngayon? Soo talagang tinanung ko eh nu..lololol. ang sagot naman niya ehh WALA daw! Woohooo single and waiting for me. I know! LOL. Ang alam lang ni J eh may GF sya dati kaso nagkalabuan daw! Tsk well ganun talaga, dadating kasi ako sa buhay ni M ehh! Dapat lang sila magbreak! Lol. FEELERSSSSSSJ
After that, I made my research na about him! Lol ako na ang dakilang stalker! J as in pina-add ko sa aking bestfriend MD sya sa Friendster. OO uso pa that time ang FS, sisikat pa lang FB nun! Haha. Ayun ito si MD nalaman ko sa kanya na ANIME addict din pala ang aking bebe loves! As in like niya ang conan super pati naruto! Ok mayron na kaming connection! Hurray! :P soo pati pics niya sa FS dinownload niya tas sinend sa yahoo mail ko! Galing! Pero ayos lang! lol. So ayon ung picture niya ehh ung parang gradeschool pa ata sya. Potek ang totoy na totoy pa talaga. Pero gwapo pa din sya! Bwahahahaha! Ayon ung mga pics na iyong were in my laptop till feb.14 2011. Haha nakatime pa talaga! Lol At wait dun ko din nalaman na hindi pala sya Pisay, san beda alabang pala sya. Woi may connection na uli kami kasi isa sa mga gradeschool classmate ko classmate niya nung highschool sa san beda! Haha. So pinagpilitan lang! LOL. Anyways ang dami ko nalaman talaga! Thanks to internet! Pati cellphone number niya! At panu ko nalaman? Sa internet! My stalking abilities nga naman oh! Hohohohoho. One time his pic ginawa kong wallpaper sa Cellphone. Medyo obsessed na ako! Lol. (CREEPY HERE!) Kasi may paniniwala na kapag ginawa mong wallpaper ang pic ng crush mo tas sa 1 week walang nakadiscover, magkakatuluyan kayo! Weh nako nakita ng isa kong HS friend nung debut ng isa kong kaibigan! FAIL! haha
Maraming natulong si internet! Kung may cupid, ngaun may internet! Haha. Pero dahil din sa internet kaya ako unang nakaramdam ng “HEARTBREAK”. Tsk tsk tsk, ayan ang napapala pag sobra ang nareresearch ehh! Sa kakahanap ng mga info sa internet, I came to this page. Scribd ata un. Para siyang site na maguupload ng mga files. Ang nakita ko eh parang novel made by M’s highschool friend and the story is about him and I think his “ex”. Nung una malay ko bang ganun ang laman eh di sana hindi ko na binasa kasi masasaktan lang ako! L ayon ako nacurious kung anu laman. So binasa ko naman. Medyo nahurt ako! Kwento pala ung ng lovelife ni M. About her girlfriend. Sa story ikakasal na ata sila tas may mga ekek na twist, tsk pero sa huli sila din naman nagkatuluyan. Pwede ba! Malayo un sa katotohanan kasi andito pa ako! Hindi ako makapapayag! Haha. Palaban epek pa ehh pero actually that time medyo naiiyak ako! Ay naiyak ako! Potek medyo mababaw! HAHA. Pero totoo, naloloka ako! Naglike ako sa FB na about sa “stalk kasi ng stalk, ayan kung anu anu tuloy ang nalalaman at ikaw din ang nasasaktan”! haaay naku ewan! Lol. Pero syempre hindi ako papaapekto dun! Kaya tuloy pa din ang pagcrush ko sa kanya!
Then one day medyo naglie low uli ako kasi nakakita ako ng ibang crush! LOL ako na ang malande! Nagkaroon ako ng bagong crush! Crush ko siya nung 2nd year, 2nd sem pero wala na un! Epal ung panget na guy na un! Feelers! Wahahaha. Anyways intermission lang un! Crush ko pa din naman si M ehh! Tsk may one time kaya naisipan kong gayumahin si M! Haha, pero joke kasi un! Hindi pa naman ako desperado para gawin un! Tsk, im pretty. Magugustuhan niya din ako 1 day, at hindi pa un ngayon! LOL. Anyways ang sabi namin, sa feb 14 ng 2010, gagawa kami ng chocolate ni Friend 3 tas ibibgay namin un sa aming mga respective crushes.  Hindi na namin natupad un kasi ewan! Haha!
There is one time na nagdidissect kami ng cat sa 3rd floor RH. Sa bandang biolab! Ehh nagbibio22 pala sya soo may tinitignan siya sa room niya. Sooo medyo kinikilig pa din ako! Lol. Haay naku syempre as usual andyan na naman ang mga kaibigang maiingay! Ay grabe, sumisigaw sila ng “SECRET. SECRET. SECRET” ako talaga maloloka na! gusto ko na sila patayin. Nung nawala na si M, sabi ko bakit kayo Sumisigaw????! Maloloka na talaga akoooo! Ang sabi lang nila, “wala lang, para malaman naman niya name mo at ikaw si secret”. LOL. Ay grabe!
Tas kami ni Friend 4 nasa labas ng bio lab room namin. Tas nung pumasok ako sa room para may tignan, OK nakita ko ang name na C---G (apelyido nya) sa isa sa mga formalinized frog! OMG, ang frog na un ay pag-aari ng M my bebe! Hinawakan niya un! Soo sumigaw ako at tinawag si Friend 4! Sabi ko, “Friend 4 Friend 4”!!! waaah tae kinikilig ako! Nakita ko ang palaka na dinissect ni M! OMG may connection uli kami! Wahahahaha! So ito namang si Friend 4, walang reaksyon, sabi niya lang-“SO”! ay grabe supportive friend! LOL.
OO nga pala I forgot, my crush is an ex-chorale member sa school ko! So in short isa syang napakagaling kumanta! Waaah nakakainlab talaga voice niya! swear!!! Ang unang video ni M na natanggap ko ay galing kay K-my Hs friend na same university ko din! Si K ay isang pharm student din so in short ka-college niya si M my loves! So aun nung Christmas, ang gift niya sa akin ay isang video habang kumakanta si M! Duet siya pero hindi na kelangan imention ang girl kasi unnecessary! Ako ang bida dito! Lol. Ayan na, ung video akala ko conan! Tapos ang nakalagay sa 1st ep eh ung video ni M! Ang kanta ehh yung “two is better than one” by boys like girls and taylor swift! Ay potek ang gwapo ng boses niya! Nakakainlabbbb! So aun nagsawa ako sa kapapanuod sa kanya dun kahit silhouette niya lang ang nakikita dun! HAHA. So after nun, nagstart na akong magresearch sa youtube ng mga videos niya! Lol. Ang nakuha ko lang ehh ung kanta niya na “how deep is your love” kasama ang mga other pharm boys and kuya P. Mamaya ko na kekwento kung sino si kuya P. Haha. Ah basta nakakainlove ang boses nia sa kantang un! Grabe nakakamesmerize! Ang linya na lagi niyang solo eh ung part na “And you come to me on the summer breeze, keep you warm…..and its me you need to show” basta dun sa part na un! Hindi ko na memorize ehh! HAHA.
Ayan na. Sino ba si Kuya P? Si Kuya P eh ung 1 year ahead sa amin na industrial pharmacy student! Ganto kasi un. Isang friend ko na si I, kasama ko sya pag iniistalk namin si M. Alam ko kasi ung room ni M sa mga oras na un. Eh break namin so tumatambay kami dun sa mini lobby ng gab malapit sa bat cave. Andun kasi ang next class ni M ko! In short inaabangan ko si M sa labas ng room niya. Umaasang makikita ko siya doon! Haha So medyo hard core stalker ako! LOL. So ayun! Ehh that time kampanya para sa student council. So dito pumasok ang gwapong gwapo na si kuya P. HAHA. Tinanung niya kasi kame kung pharm student kami kasi nakatambay kami kasama ang pharm students dun! LOL. Sabi namin hindi, so umalis na siya. Pag-alis niya sabi naming ni I- “kuya para sayo magiging pharm kami” LOL. Naglulumande ako sa harap ni M! Tsk tsk. Bad bad! Lol ayan ang napapala pag nag-aabang ng crush, napapagkamalang pharm din! LOL. So aun naging crush ko si kuya P ng 1 day! Ito pa pala ang malala, di ba alam na ni K na patay na patay ako kay M, potek pati pagkacrush ko kay kuya P nalaman niya! Eh kasi itong si I ang daldal. Kinwento niya sa isang pharm friend niya na may crush ako sa 2 pharm! So medyo happy! Eh itong pharm friend niya, nag-GM ba naman sa buong barkada niya sa pharm na --- “may isang girl sa course na __ na may crush kay M at kuya P na to the point na gusto na mag-shift”.!! WEHHH ang OA di ba?! Kahit gaano ako patay na patay kay M, hindi ko pa naiisip na magsuicide! HELLO suicidal kaya sa pharm! Haha! Kaya nga ang HOT ni M ehh kasi pharm siya! WAHAHA. Anyways ang point ko kasi isa sa mga nakasama sa GM ehh si K! Soo di ba ang alam niya lang patay na patay ako kay M, pero kay kuya P,,, DUH si M lang kasiii! HAHA.

To be continued... :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento