last 2 years in college. :)
Mahaba haba din ang aming hindi pagkikita. Medyo nakakasad. So for 1 sem medyo nalimutan ko na crush ko sya kasi medyo busy ako sa isa kong inutil at feelers na crush! Wahahahahahaha! J so wala akong makwkwento sa 1st sem 3rd year! Lol.
Sooo ayan na 2nd sem na! ang aking pinakamamahal na sem sa lahat! (as of now kasi hindi ko pa alam baka magkagusto sa akin si M, sa sem ko na to na ang fave ko)—LOL ilusyonada! HAHA. Ito na dito ko unang naranasan ang makipagtitigan sa aking bebe loves! Eh kasi one time, nakaupo ako dun sa isa sa mga stone bench sa school. Nakatitig ako kina C at G (my friends) na nasa college lounge kumukuha ng trans. TAPOS biglang nagwawala na si C! Yung sayaw niya na kakaiba! ALAM kong pag sumasayaw siya nun crush alert! So ayun paglabas sa daan si M!!!! So ako medyo kinikilig pero lakas ng loob, tinitigan ko sya sa mata. Hindi ko sya tinantanan wahahaha! Ayon sya ang medyo nahiya! LOL. Hinawakan niya kasi ung ilong niya! Ganun kasi ang palatandaan pag nahihiya siya! Soo paano ko nalaman?! Eh di sa kakanuod ng mga singing ek ek niya pag may event ang pharm! Nanuod ksi ako sa youtube ng bagong video nya. Duet uli, tas ang kinanta niya ehh ung “falling slowly”.so ang gwapo! Haha! Tas may isang part dun na nawalan siya ng tono, tas ayun hinawakan niya ilong niya tas nagsmile! So obvious nahiya! LOL. Sooo di ba nung nagsmile sya natunaw akoooo! WAHAHAHA.
Ito isang trivia lang! commercial! May crush akong ASKALZ player. National team ng Philippines sa football. Name niya ay si Neil Etheridge! Kamuka sya ni M! Potek parehas silang gwapo at Hot! Wooooooooh! J
Ay grabe naalala ko one time. Lunch time naming nun and ung barkada kumain sa Mang inasal dun sa bandang taft. Tapos nung pabalik na kami sa school, habang papatawid kami ng taft, ay medyo sumigaw si C! Akala ko kung anu tapos sabi niya, “Secret!”, sabay turo sa isang guy! Ay grabe! Si M pala un! So medyo naghysterical na naman ako! Nawala na naman sa sarili at hindi macontain ang sarili! Super napasigaw ako at napatalon! So medyo nakakahiya! As in ang lakas pala ng sigaw ko and yung buong tao daw ehh tumingin sa akin kasi parang may nanakawan or nabundol ng sasakyan dahil sa sigaw! Ay medyo happy! As in katabi ko si JC-college friend, medyo pinapalo ko na siya sa sobrang tuwa and to the point na pwede niya na akong sabihan na, hindi kita kilala! Ay grabe nakakahiya talaga ginawa ko! Sino ba namang matinong tao ang sisigaw sa gitna ng daan dahil nakita crush niya! So ako lang yun! HAHA. So syempre nakita ko siya, eh di sinundan ko na din siya! So di ba ang hard core stalker talaga! WOOH! Grabe naglakad ako, si C at JC papuntang pharm! So medyo dinamay ko pa yung 2 kong friend! HAPPY! Lol. Sooo eh di ayan na pumasok na siya sa college niya at ako patuloy pa ding hindi macontain ang sarili! LOL
Ok ito ang pinakamasaya sa lahat ng masayang panahon ng buhay ko! February 14, 2011, Valentines day. Maaga kami pinalabas ng prof namin. Sa barkada namin, may dating something. Bunutan kami bawat isa kung sino ang magpartner at magdadate!! Ayun nabunot ko eh si R, ang pinakamamahal na boypren ni C. So suicidal! Hahaha. Ayan na, hindi kasi pumasok si R nung class namin so ako tinetext ko sya kung san na kami magdedate! Maaga kasi labas namin kaya sana pumunta na siya sa school. So ayun nakaupo ako sa college lounge, nagtetext. Hinahanap ko si A kasi makikisabay na lang ako sa kanila pag nakipagdate ako, para hindi suicidal! LOL. So tinatanung ko si MK kung nasan si A habang tinetext ang inutil kong date! Tapos pag tingin ko sa kaliwa, ay potek nakita ko si M my loves kasama si A na may hawak na roses!!! WTH! Ito na ang kinakatakutan ko! Nararamdaman ko na! soooo di ba medyo nakakahiya kasi tumakbo ako palayo sa upuan ko. Nagtago ako sa likod ng classmate ko! Ang unang lumabas sa bibig ko ehh “FUCK”.!!! Ay grabe hindi ko macontain sarili ko. As in tumatakbo akooooooo! Waaaaah nakakahiya. Tapos nung nasa gilid na kami ng lounge tinulak na ako ng mga friends ko, sabi nila, dyan ka lang! so medyo napatigil ako! Tas potek lumapit si M tas biglang sabi --- “HAPPY VALENTINES SECRET”!!!!!!!!!!!!! poteeeeeeeeeeeeeeeeeeeek! OMG nagkaroon ng fireworks sa aking paligid! Sa wakas ALAM NIYA NA NAGEEXIST AKO SA BUHAY NIYA! All this time ako lang ang palaging nakatingin, ngayon alam na niya na may nageexist na Secret sa buhay niya!! Wahhh grabe! Alam mo yung feeling na 3 words and lahat yun binuo ang araw mo!!! Waaaah! Super saya ko talaga nun! Tas ayon bigla niyang inabot ang 3 synthetic roses and 1 real rose! Sooo medyo hindi na ako makahinga! Hindi ko macontain sarili ko nun. Pinapalo ko ang lahat ng tao! Sooo ayun sabi niya: “naghanda ako ng isang kanta para sa iyo, sana magustuhan mo”… tas ayon kumanta siya ng KANTA- duh hindi yan title basta sikreto mahiyain akooo! so favourite song ko na yun! As in after class dali dali ako nagdownload ng kantang yun tsaka pinakinggan buong gabi! Haha soo kanta kanta!!! Tas grabe sa gitna ng kanta bigla daw ako sumigaw ng “ OMG, kinikilig ako!”!!!! ay medyo tanga, obvious na tuloy na crush na crush ko sya! Wahahaha! Ayon so after nun. Nagpasalamat sya tas umalis! So akoooo sa isip ko gusto ko humirit na pwede pa-hug?! Kaso baka sobra na. inaabuso ko na kabaitan niya! Haha so ayon bumalik na siya sa college niya! So after nun hindi ko na mapigilan! Naiiyak ako na natutuwa! As in grabe nagtago ako sa ilalim ng lamesa SUUUUUUUUUUUUUUPERRRRRR KILIG!!!!!!! Grabe pwede na akong mamatay! Wahaha! So after nun tinext ko syaa! HAHA --- so kapalan lang ng mukha. I just said na “Thank you super, Binuo mo talaga day ko! Thanks talaga”. So ang lande! Haha. Ayon nagreply sya na "thank you". OK ang vague?! Lol soooo yun ang una naming palitan ng text! Medyo kinikilig akooooo! LOL. So akala ko yun na ang huli naming pagkikita sa araw na yun! Fieldwork namin sa nutri so pupunta kami sa Baclaran. Then sasakay na kami sa LRT, eh dadaan kami ng pharm building. MEDYOOOO akala ko hindi ko sya makikita dun kasi pwedeng may class sya! Tas ay grabeeee andun sya sa labas ng building niya nakaupo at nagtetext! Soo ayan na ang mga napakababait na kaibigan.. sumigaw na “SECRET..LOLLLLL” sooo nahihiya ako! Ung papel na hawak ko tinakip ko sa muka ko tas tumakbo palabas! Sooo lahat ng mga classmate ko tinukso na ako! Galing! Ehh nakita ba naman nila ang lahat ng pangyayare sa lounge! Ay kaloka! Haha!!! Soooo eto na akala ko end na un ng aming pagkikita.! As in sabi na ni MK, “naku Secret pag nagkita pa kayo ngayon, meant to be na kayo” sooooo nung kinukuha ko trans ko ay nakita ko sya uli! Potek naglalakad! Nagtago tuloy ako sa likod ng poste.! Soo di ba ang nipis nun as if naming hindi niya ako makikita doon! HAHA. Soooooo medyo happy! MEANT TO BE KAMIII!!! Binusog ako ni Lord nung feb 14! Sabi niya, pagbigyan na ako kasi ang tagal tagal ko ng ganto! HAHA. Ayon ang next pagkikita na naming ehh ung feb17. Kaso bumibili ako ng donut nun so sulyap lang ako! After nun wala na! L sad pero pag nakikita ko pic naming dalawa magkasama sumasaya na ako! HAHA. Grabe ibang klase kahit isang pic lang na magkasama kami nawawala lahat ng kalungkutan ko! Napapalitan ng kilig at saya! Ibang klase sya! Wahaha. ADIK MUCH! Lol eh kasi naman ang mga pagkatagal tagal kong pangarap na malaman niya lang na nageexist ako sa buhay niya, ung magkaroon lang kami ng pic magkasama, kahit stolen! Natupad sa araw na iyon! Super saya! Grabe! Pag naaalala ko un! Napapangiti ako! Ambabaw man pero para sa akin isang treasured moment na un! It may only last some minutes but in my youthful heart, it feels like lifetime! J
So medyo nakakahiya ginawa ko nung valentines day sa harap niya! GRABE! Para akong tanga! As in ayaw ko na pala sya uli makita kasi namannnnnn! NAKAKAHIYA TALAGA! Ay grabe! Ngayon ko lang narealize after watching the videos and looking the pics! SOOOOOOOOOOOO pakamatay na!! HAHA.
Add pa pala! Pinatext ko kay A si M, kung nakakahiya ba talaga ako. So yung reply nya, kunware pa! tsk alam ko nmang nakakahiya ehh! LOL.
Text niya: Haha wala un aus lng skn :-D hndi sya nkkhya pro nttawa lng ako ksi parang nttkot sya skn nung bngay k ung flowers :-P
2nd text: haha seryoso hndi tlga u: actually nkkflatter nga na nging msya sya nung bngyan k sya ng flowers J
((duhhh obvious ba? Syempre magiging masaya ako kasi binigyan ako ng flowers ng super crush ko !!!!!! )) HAHA.
But of course hindi naman lahat nageend according to what you want you dream :( Haaaay may ibang babae na ata si M nun!!!!!! At ang masama pa nito, kapangalan ko pa! Haaaay!
You know how did I know it? Syempre stalker nga ako di ba?! Ayun tinignan ko na naman ang kanyang profile sa FB! Ay leche pagtingin ko sa display photo niya ay picture ng cake! Gift ata ng girl sa kanya nung birthday niya, Nakalagay, happy 19th birthday…from ______! basta same name kooo! Ayyy naku! Syempre hindi niya kamag-anak un! Eh sino ba maglalagay ng pic ng cake as DP kung hindi galing sa special someone mo?! Haaay naku! Im feeling down! DEPRESSED! LLL
But syempre wala naman akong karapatan di ba? im just his pathetic secret admirer! haha. k. whatever! so kahit may ibang girl na sya, bahala sya crush ko pa din sya! WAHAHAHAHA. One day, Nagkabunggo kami sa daan! kasi ganito yun, annual physical exam namin yun so papunta na kami ni A sa x-ray laboratory. Naglalakad kami dun sa may taft tapos may nagovertake na lalaki sa akin, alam mo yung parang may luksong puso akong naramdaman. Tapos nung tinitigan ko yung likod ng lalaking nagovertake, shet pamilyar!!!! LIKOD NI M un!! Im super positive. Coz when I see M, I know its him!! Kahit sa gitna pa sya ng maraming tao, nakatalikod or buhok lang, alam kong sya un, hahahaha. Ako na ang addict! :P anyways ayun, so to prove it was M, A looked at him when he went inside the building, so positive, sa side view, it WAS REALLY M! So hahahahaha. Ayun hindi ko na naman macontain si heart, and it was beating so fast! So hindi ko maget-over! Hahahaha ayun buti walang abnormalities na nakita ang xray! Hahahahahaha. Ayun na yun, end of lame story! :PP
Pahabollll! Alam mo ba masaya ako nung birthday ko? Kasi ginreet ako ni M kahit post lang sa FB un, super happy ko! ganto kasi un, nasa province ako nung birthday ko so wala akong koneksyon sa world kasi no internet,,duhhh medyo wala sa kabihasnan! Haha. So yung mga nareplyan ko lang na greet eh ung mga nagtxt and call. Then ito na, tinext ako ni K na happy bday blah..blah.. syempre thank you ako, tas after bigla ako nagdrama,, sabi ko “haay hindi ako ginreet ni M, nakkadepress lang, hindi nya ako naalala. SO parang tanga pilingera!! Hahaha. Anyways so ayun, nung nakauwe na ako sa bahay. So bukas kagad ng laptop and then internet! So binasa ko yung mga nagwall post sa akin ng bday greetings, then say my thanks to them. THEN nakita ko bigla yung name na “M______” TAEEEEEEEEEE. Napasigaw ako sa tuwa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!. Godgeeeeee, naalala niya akooOoo! Bigla ako text kay K na GINREET NIYA AKOOO! Syempre hello masaya ako dun kasi si my ultimate crush did not forget me, and greeted me! HAAAAAAAAAY. So saya! eh di ayan nagthank you. Iniisip ko kung special thank you ba, pero ung normal na “ Thank You M! God bless!” yun lang reply ko kasi syempre baka super obvious na and magfeeling. peste! Haha. Pero alam kong alam nya na yun ever since Valentines day! :P so ayun. Masaya na ako! HAHAHAHA. <3
seeee. what a pathetic story! HAHA. isa lang napatunayan ko sa experience ko sa kanya! I AM A GHAD DAMN SEXY PRETTY AMAZING STALKER!!! SECRET ADMIRER PALAAA! haha.
Walang kwenta yan! graduate na ako ng college and now taking med in another university! haaaay at least hindi ko na sya nakikita atttt makakahanap na ako ng new crush... mali pala may bago na akong crush! HAHAHA. mamatay ka na M sa life ko! and shareeee M din start ng letter ni new crush! dafuq hilig ko sa M! HIHIHIHIHIHI. anywaaaaaay, stalker nga di ba, still visiting the profile of my ultimate college crush. ang gwapo nya lang talaga ever! HOHOHOHO. K. :)
To my ultimate crush, THANK YOU FOR THESE PAST 4 YEARS! KAHIT MOST OF IT HINDI MO AKO KILALA AT WALA NAMAN TALAGA TAYONG GANUNG INTERACTION, IKAW PA DIN ANG AKING ULTIMATE ULTIMATE CRUSH!!! FOR INSPIRING MEEEE KAHIT MASULYAPAN KA LANG HAPPY NA AKO! GANUN KALAKAS TAMA MO EH! HAHAHAHA. ANYWAYYY, BABYEEE. GOD BLESS SA LIFE! :*
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento